Ibinahagi ng Zambales Tourism sa kanilang Facebook page na handa na sila muling tumanggap ng mga turista para sa kanilang Phase 1 reopening na magsisimula sa Mayo 28, 2021.

Ibinahagi rin nila ang mga panuntunan na dapat sundin ng mga turistang pupunta roon.

Kailangan munang mag rehistro sa Zambales Vis.I.T.A website na nagsimulanoong Mayo 22.

Nag-abiso rin sila na kailangan ng RT-PCR test 48 oras bago ang pagpunta at DOT and Locally Accredited Establishments lamang ang maaaring i-book. 

Tourism

ALAMIN: Mga libreng museum sa Metro Manila!

Pinapaalalahanan na ang mga turistang magmumula sa NCR+ ay hindi pa pinapayagan dahil nasa GCQ with heightened restrictions hanggang May 31.

Mula sa Facebook page ng Zambales Tourism

Nicole Marcelo