Tatanggapin agad ni hunk actor Piolo Pascual ang teleserye project kung si Judy Ann Santos ang magiging on-screen partner niya.

Ito ang ini-reveal ni Piolo sa isang panayam kay Bianca Gonzalez sa “Cinema One.”

Nabanggit ni Bianca sa aktor, na marami ang nagre-request ng bagong Piolo-Juday project. Una rito, umasa ang fans na muling magkakasama ang dalawang batikang artista sa Pinoy adaptation ng hit British series na “Doctor Foster.”

Gayunman, napabalitang tinanggihan ni Juday ang proyekto, na kalaunan nga ay nakuha ni Jodi Sta. Maria.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Judy Ann

“Kung tinanggap ni Juday, kung gagawin ni Juday, I’ll do it. I’ll do it in a heartbeat. It’d be nice to work with her again,” sagot ni Piolo. “It could have been nice.”

“Juday is Juday,” ayon pa sa aktor. “I’m always gonna be a fan of Juday. Laki ng utang na loob ko doon – I would always say that. If there’s a chance for us to work again, anytime.”

Chika ng 44-anyos na aktor pahinga muna siya sa paggawa ng serye dahil nais niyang tutukan ang pagiging isang “probinsyano.”

Pero ang pelikula pa rin ang kanyang “first love,” “passion,” aniya.

“That’s really my priority. I’m gearing towards doing just movies for now,” paliwanag ni Piolo.