CAGAYAN - Nagreklamo sa Police Regional Office-Region 2 (PRO2) headquarters ang isa pang biktima ng ‘Honey Love’ scam matapos na maaresto ang isa sa umano'y miyembro ng sindikato sa Tuguegarao City nitong Huwebes.

Iniulat ng PRO2 na ang nasabing biktimang hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ay miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer (LGBTQ).

Isinalaysay nito sa pulisya kung paano ito nakumbinsi ng isang umano'y Amerikano na nagpakilalang empleyado ng Oman Embassy.

Nagkakilala umano ang dalawa sa pamamagitan ng ‘Dating App’ ng LGBTQ hanggang sa magkapalagayan sila ng loob.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Ayon sa biktima, mahigit P100,000 ang nakuha sa kanya ng ng suspek sa pamamagitan ng money transfer.

Ito ay upang makuha umano ng biktima ang package na galing sa suspek.

Inihayag naman ng PRO2 na naaresto na nila ang isa sa umano'y sangkot sa sindikato na nakilalang si Marilyn Binarao, 26, taga-41 AtalExt.,CataggammanPardo, Tuguegarao City, Cagayan.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang suspek.

Liezle Basa