SAN NICOLAS, Pangasinan - Napatay ng isang lalaki ang kanyang asawa nang saksakin niya ito dahil umano sa selos sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Barangay Calanutian ng nasabing bayan, nitong Miyerkules ng gabi.

Binawian ng buhay saEastern Pangasinan District Hospital sa Tayug, Pangasinan ang biktimang Jovelyn Lucas, 28, sanhi ng pitong saksak ng patalim.

Kaagad namang inaresto ng pulisya ang suspek naDon Richard Lucas, 30, kapwa taga-nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni Corporal Romeo Gringo Mones, Jr., may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap sa kanilang bahay, dakong 8:45 ng gabi.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Naiulat na nasa kusina ang mag-asawa nang magtalo dahil umano sa isang lalaking naghahanap kay Jovelyn.

Sa gitna ng kanilang away, umalis ang babae at pumasok sa kuwarto. Lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan ito ng asawa at biglang sinaksak.

“Mayroong lalaki na naghahanap sa kanyang misis at ang mga nakausap lang ay mga kapitbahay at doon nagsimula na uminit ang ulo ng suspek at nakipagtalo sa kanyang misis," sabi pa ng imbesigador.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.