Isang hindi nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang salvage victim ang natagpuang lumulutang sa ilog sa Caloocan City, nitong Miyerkules.
Ayon sa pulisya, tinatayang nasa 45-50 ang edad nito, may mga tattoo, nakasuot lamang ng shorts, green na t-shirt at binalutan ng masking tape ang ulo.
Sa report, isang concerned citizen ang nakadiskubre sa bangkay na lumulutang sa ilog sa ilalim ng Sampaguita Bridge, Barangay 175 , dakong 5:00 ng madaling araw.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.
Orly Barcala