Muling pinabilib ni Klarisse de Guzman ang mga hurado at kapwa celebrity performers sa kanyang paglabas bilang Aretha Franklin para manalo sa ikaapat na pagkakataon sa “Your Face Sounds Familiar Season 3.”

Bagamat nanalo na noon bilang Jaya, Minnie Riperton, at Sharon Cuneta, aminado si Klarisse na nakadama pa rin pa rin siya ng pressure sa paggaya kay Arethasa hit celebrity musical variety competition, na napapanood sa Kapamilya Channel at A2Z.

“Sobrang challenging kasi ‘yung idols ko idol talaga si Ms. Aretha Franklin. Sobrang icon, and nakaka-pressure pinapanood ko pa lang mga videos niya,” kuwento niya matapos ang performance kung saan niya nakuha ang 24 puntos, ang pinakamataas na iskor para sa linggo.

“Klarisse ‘pag nagpe-perform ka, you just take us to another place and it’s a place of excitement,” sabi ni juror Ogie Alcasid, na tinawag pa si Klarisse na isang “superstar.”

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Inilarawan naman ni Gary Valenciano, ang kanyang performance na outstanding, fabulous, at isang blessing.Bilin din ni Sharon kay Klarisse, “What you have is a gift from God that is not given to everybody, not even us actually. I hope you use that for the good and for the glory of God because we are big fans of yours over here.”

Bukod kay Klarisse, nakakuha rin ng mataas na puntos ang iDolls, na gumanap bilang Ben & Ben at Moira dela Torre (21 points) habang si CJ Navato (19 points), na umawit bilang John Legend, ay nakakuha naman ng pinakamataas na puntos mula kina Sharon at Ogie.

Sa darating na weekend magaganap ang huling weekly competition bago sumabak sa Grand Showdown ang pitong celebrity performers, na tutulungan ng celebrity mentors na sina Jed Madela at Nyoy Volante. Abangan si Klarisse bilang Toni Basil, ang iDolls bilang Kiss, si CJ bilang Steven Tyler, si Lie Reposposa bilang KZ Tandingan, si Vivoree Esclito bilang Usher, si Christian Bables bilang Nicki Minaj, at si Geneva Cruz bilang Liza Minnelli.

Mercy Lejarde