Mahaba haba na rin ang tinatakbo ng relasyon ng magkasintahang Kapuso na sina Jak Roberto at Barbie Forteza. Sa katunayan nakaka-four years na ang kanilang pag-iibigan. Kaya naman inulan ng pagbati at kilig mula sa mga celebrities at fans nila nang ipinost ni Barbie sa kanyang Instagram ang throwback pic nila ni Jak Roberto habang magkahawak-kamay sa isang beach resort sa Coron three years ago.

Dahil na rin sa pandemic malamang o baka walang magaganap na out of town ang dalawa para i-celebrate ang kanilang 4th anniversary. Karaniwan kasing nagpupunta ang magsing-irog sa isang beach para mag-relax at mag-spend ng time together.

Sa ibinahaging picture ni Barbie sa Instagram ramdam ang love at masayang pagsasamahan ng magkasintahan. Aniya, “Four years. Four years na kitang kasama. Four years na tayong nagtatawanan. Four years na tayong nagdadamayan at nagtutulungan sa problema. Four years na tayong nagsa-spicy noodles. Four years na tayong masaya. FOUR YEARS NA AKONG MASAYA.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Screencap from IG

Hangad ni Barbie sana hanggang dulo ay sila pa rin ni Jak. Sey niya, “Sana FOUREVER na. Ano sa tingin mo? @jakroberto (heart emoji)”

Sa dulo naman ng caption binati niya si Jak sa kanilang anniversary. Saad niya, “Happy 4th Anniversary, Mahal Ko! (heart emoji) I love you.”

Sinuklian din naman ito ni Jak ng isa ring pagbati. Sabing aktor, “Happy 48 months mahal kong sexy!!! I love you so much!!!”

Kuwela naman ang pabirong sagot ni Barbie na kaya raw siya niligawan ni Jak ay dahil sa kaseksihan ng aktres.

Wow! Ka-sweet naman ng dalawa. Kasal na ba ang kasunod? Speaking of kasal, may isang netizen ang naglakas loob na nagtanong kung kailan daw magaganap ang kasal ng dalawa. Yun lang, ang sagot ni Barbie mag-iipon daw muna sila ni Jak. Tama naman iyon.