LUCENA CITY, Quezon- Dinakip ng operatiba ng pulisya ang isang hinihinalang lady drug trader na nasamsaman ng humigit kumulang P4-milyong halaga ng shabu sa isang drug buy-bust operation sa Sto. Rosario Subdivision, Barangay 4, nitong Martes ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Neriza Oracion, 46, at residente ng nasabing lugar.

Nagsagawa ng drug buy-bust angQuezon Provincial Police Intelligence branch laban sa suspek kasunod ng isang surveillance operation batay sa nakalap na impormasyon ukol sa sinasabing big time drug dealer sa lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang 41 pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 205 gramo at may street value na P4.1 milyon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober din ang marked money at isang digital weighing scale.