Usap-usapan sa social media si Miss Universe-Thailand Amanda Obdam, na inaakusahan ng ilang fans sa tila pangongopya nito sa lakad, tindig, at itsura ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa katunayan, maging ang social media darling, Senyora, ay nakisali dito.

Caption niya sa isang photo ni Amanda, “Galing mo talaga Catriona!”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

screencap from Facebook

Maraming netizens ang sumang-ayon sa pahayag na ito.

“Catriona Blue is shaking!!! Sa unang tingin akala ko si Mocha!,” komento ng isa.

Komento ng isa pa: “Super familiar ng style ng gown ah at the pose.”

Ayon sa netizens, bukod sa pasarela ni Amanda, ang blue long gown nito ay tila inspired din sa “Reflection” at “Lava” gowns na gawa ni Mak Tumang, kapwa isinuot ni Catriona.

Giit ng isang netizens: “Nothing beats the original!!”

Bago ito, dumepensa si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa matapos makatanggap ng bashing nang mag-trending sa twitter ang comment niya kay Miss Thailand.

Umabot hanggang top 10 si Miss Thailand sa 69th Miss Universe.