Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa Martes.
Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, dakong 6:00 ng umaga, magtataas ito ng 20 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel kasabay ng pagbaba ng 20 sentimos sa presyo ng gasolina habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene nito.
Kahalintulad din na hakbang ang ipatutupad ng Seaoil at Petro Gazz.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis, tulad ng Petron, PTT Philippines, Total Philippines, Flying V at Caltex sa kahalintulad na dagdag-bawas presyo.
Ang bagong price adjustment at bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Bella Gamotea