Matapos umabot hanggang top 21 sa 69th Miss Universe Competition sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino Hollywood sa Florida, nitong Lunes, nagpahiwatig daw si Rabiya Mateo hinggil sa intensyon na sumali sa Miss World Philippines beauty pageant.

“Miss World kaya?” tweet ni Rabiya nitong Mayo 17.

Gayunman, nilinaw ng isang kaibigan ni Rabiya sa Balita na walang Twitter account ang Ilongga beauty queen.

Bago ito, pinasalamatan ni Rabiya ang lahat ng pageant fans na sumuporta sa kanyang pagsali sa 69th Miss Universe pageant.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“This post is dedicated to all pageant fans all over the world. Salamat po. Terima kasih. Khob khun ka. Gracias.

“Thank you for celebrating and empowering us candidates. There may be some who are critical to us but still there are millions of nice people who cheer for us. Sending love from Florida to the rest of the Universe,” pagbabahagi ni Rabiya sa Instagram.

Robert Requintina