Hindi pinatawad ng Israeli air strike nitong Sabado ang 13-palapag na gusali na tinutuluyan ng Qatar-based Al Jazeera television at American news agency The Associated Press sa Gaza Strip, pagbabahagi ng AFP journalists.

Israel “destroyed Jala Tower in the Gaza Strip, which contains the Al Jazeera and other international press offices,” tweet ng Al Jazeera, kasama ang pahayag ng isang AP journalist na nagbabala ang militar sa may-ari ng gusali bago ang pag-atake.

Makikita sa broadcast footage ng Al Jazeera ang pagbagsak ng gusali matapos ang air stike, na nagdulot ng dambuhalang mushroom cloud sa lugar.

Ayon kay Jawad Mehdi, may-ari ng Jala Tower, binalaan siya ng isang Israeli intelligence officer na may isang oras na lamang siya para masiguro ang evacuation sa gusali.

Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria

Sa isang phone call sa officer, narinig ng AFP na hiniling pa nito na bigyan sila ng dagdag na 10 minuto upang mailabas ang mga mamamahayag ang equipment bago umalis.

“Give us ten extra minutes,” pakiusap nito, gayundin tumanggi ang kausap nito sa kabilang linya.

Sa pagbabahagi ni Wael al-Dahdouh, bureau chief ng Al Jazeera: “It’s terrible, very sad, to target the Al Jazeera and other press bureau”.

Sinabi naman ng Israel na“fighter jets attacked a high-rise building which hosted military assets belonging to the military intelligence of the Hamas terror organisation”.

“The building also hosted offices of civilian media outlets, which the Hamas terror group hides behind and uses as human shields,” giit nito.

Umabot na sa 139 katao ang nasawi mula nang maglunsad ng air strike ang Israel sa Gaza, kabilang ang 39 bata, at sumugat sa higit 1,000.

Agence-France-Presse