Isa ang boyfriend ni Rabiya Mateo sa mga happy sa naging performance niya sa preliminary stage ng 69th Miss Universe pageant.

Sa Instagram, proud na ibinahagi ni Neil Salvador, isang medical frontliner na nakabase sa Quezon City, kung paano “nalalaglag ang kanyang puso” nang masaksihan ang kanyang girlfriend na rumarampa sa stage ng Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida.

Caption ni Neil sa kanyang IG stories, “Review: paused, jaw: dropped, heart: pounding eyes”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

(screencap mula IG)

Sa pagpapamalas ni Rabiya ng kanyang curves sa swimsuit round, napa-comment ang kanyang BF ng: “YOOOOOOWWW!!!!!”

Siyempre hindi ito ang unang beses na nagpahayag ng suporta si Neil para kay Rabiya.

Anim na taon na ang relasyon ng dalawa.

Neil Ramos