Matapos ang preliminary competitions, sina Miss Thailand Amanda Obdam at Miss Puerto Rico Estefania Soto, ang nanguna sa isang betting site sa London, na maaaring mag-uwi ng titulong Miss Universe 2020 sa Hollywood, Florida.

Hanggang nitong Mayo 15, paborito ng online gambling site na nicerodds.com.uk si Amanda na may 5.00 odds.

Amanda (IG photo)

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sinusundan ito ni Estefania na may 5.25 odds.

Estefania (IG photo)

Habang nasa ikatlo si Miss Mexico Andrea Meza sa 7.00 odds.

Andrea (IG photo)

Tied sa ikaapat na puwesto sina Miss Philippines Rabiya Mateo, Miss Colombia Laura Victoria Olscuaga at Miss South Africa Natasha Joubert sa 7.50 odds.

Pasok din sa top 5 si Miss Peru Janick Maceta del Castillo na may 8.00 odds.

Ngayong Lunes, Mayo 17 (Mayo 16 sa US) na mapapanood ang finals ng 69th Miss Universe Competition, may live broadcast mula sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino Hollywood sa Florida.

Well, sino nga ba si Amanda Obdam?

Lumaki sa kanyang hometown sa Phuket, south of Thailand, nagtapos with honors si Amanda sa University of Toronto sa degree na business administration.

Co-founder siya ng Batika Studio, isang product line na kumikilala sa traditional batik art bilang sustainable everyday clothing at tote bags.

Bata pa lamang nang magsimulang mag-volunteer si Amanda matapos tamaan ng 2004 Tsunami ang kanyang bayan na nagdulot ng pagkamatay at matinding pinsala sa isla.

Nakikipagtulungan din siya sa Phuket Has Been Good To Us Foundation sa pagtuturo ng English sa mga bata na naapektuhan ng Tsunami. Nakikita ng beauty queen ang kakulangan sa pag-unawa sa iba’t ibang sakit mga sa kanyang bansa at isa ring advocate para sa mental health

Sinimulan niya ang “Have You Listened” campaign upang isulong ang ideya ng pagkikinig na may kasamamang pag-unawa sa mga komunidad. Naniniwala si Amanda na maaari tayong makatulong kung susubukan ng lahat na pakinggan ang bawat isa.

Robert Requintina