Handa na ang reyna sa korona!

Ito ang pinatunayan ni Miss Philippines Rabiya Mateo sa kanyang hataw na performance sa preliminary competition ng 69thMiss Universe ngayong Sabado, Mayo 15.

Sa preliminary swimsuit competition, agad pinahanga ng pambato ng Pilipinas ang mga manonood sa kanyang puno ng kumpiyansang pagrampa suot ang yellow two-piece bikini.

Looking elegant naman ang 23-anyos na beauty queen sa kanyang yellow evening gown na gawa Dubai-based Filipino designer Furne Amato.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

larawan mula sa Miss Universe PH IG

On Instagram, ipinaliwanag ng designer ang detalye ng gown ni Rabiya:

“The one sided neckline tulle gown is elegantly encrusted with Citrine Swarovski crystals on the bodice cascading to the hem and cape over alabaster Swarovski components, glass beads and paillettes.

“The dramatic and fitted silhouette adds interest and pizzazz on its own. The cape added royalty to the gown, and its beadwork was inspired by the radiance of the Philippine sun which symbolizes positivity and optimism. A hope for a new tomorrow, a world with endless beauty and happiness.”

Una nang sumabak sa national costume competition ang mga kandidata ng Miss Universe nitong Huwebes, kung saan ibinida ni Rabiya ang Philippine flag-inspired na national costume.

Gaganapin ang final night ng 69th Miss Universe 2020 sa May 17 (May 16 sa USA) na mapapanood live sa A2Z channel sa ganap na 8 a.m. at 8 p.m. naman sa USA. Maaari rin itong subaybayan sa Lazada at sa official Miss Universe YouTube channel.