Ilang sandali matapos ang National Costume Competition ng 69th Miss Universe pageant, emosyonal na humingi ng tawad si Miss Philippines Rabiya Mateo sa kanyang fans na sa palagay niya ay disappointed sa kanyang naging performance sa pre-pageant show.

“I’m so sorry guys kung na-disappoint kayo sa akin. But I know I did best. I even caught my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na rin siya ng dugo,” kuwento ni Rabiya, na nag-live sa social media nitong Mayo 14.

“But I kept fighting kahit wala nang oras to retouch my hair, to retouch my make-up. I was running for pins, scissors just to be able to execute the costume really well. Maraming salamat guys sa lahat kanina. But I really felt great.Feeling ko kanina habang naglalakad ako, I was so beautiful. Nakita ko yung sigawan ng mga Pilipino kaya nagpapasalamat talaga ako sa suporta ninyo,” saad pa ni Rabiya.

“May malaking laban pa kaya sana ipagdasal ninyo kaming lahat na girls na ma-execute yung pinaka-best performance na kaya namin. Our goal really is to make our country proud. Sana maging proud din kayo sa akin. It’s never easy pero kinakaya ko talaga para sa inyo. Pero ang sarap ng feeling everybody kept cheering for me,” aniya.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Gaganapin ang final night ng 69th Miss Universe 2020 sa May 17 (May 16 sa USA). Mapapanood ito, live sa A2Z channel sa ganap na 8 a.m. at 8 p.m. naman sa USA. 

Robert Requintina