Simula sa Mayo 15 hanggang May 31, isasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) na may heightened restrictions ang National Capital Region (NCR),  Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Sa idinaos na pagpupulong nitong Huwebes ng gabi, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na hanggang May 31 ang nasabing community quarantine.

Bukod sa NCR bubble, isinailalim din sa GCQ status hanggang Mayo 31, 2021, ang Cordillera Administrative Region na sumasaklaw sa nbiApayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province at Abra; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Isinailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Mayo 15 hanggang 31, 2021 ang Santiago City at Quirino Province sa Region 2; Ifugao sa Cordillera Administrative Region; at Zamboanga City sa Region 9.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Habang ang mga lugar na hindi binanggit ay isinailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) hanggang sa May 31.

Kasabay nito, ipinaliwanag naman ng IATF na sa ilalim ng GCQ heightened restrictions, ang pinapayagan lamang na pumasok at lumabas ng bubble ay ang mga essential travel at tuloy pa rin ang public transportation sa itinakdang kapasidad ng Department of Transportation (DOTr).

Nilinaw na mula sa 10% ay itinaas sa 20% ang kapasidad na papayagan para sa dine-in services; habang itinaas 50% ng kapasidad ang al fresco dining.

Maging ang outdoor tourist attractions ay papayagan na rin sa 30% kapasidad lamang pero mahigpit pa rin ang ipaiiral na safety and health protocols.

Beth Camia