Kumpiyansa ang Food and Drug Administration (FDA) na matatapos na at magiging positibo ang resulta ng evaluation sa aplikasyon ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Sinopharm coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Sa isang pagpupulong nitong Huwebes ng gabi, nagbigay ng update si FDA Director-General Rolando Enrique Domingo kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa COVID-19 vaccines.
Sinabi ni Domingo sa Pangulo na posibleng makakuha ang nasabing bakuna ng EUA.
Inihayag din ni Domingo sa Department of Health (DOH) na nagsumite ng aplikasyon ng EUA at nakipagkita na sa mga kinatawan ng manufacturer ng bakuna.
Sinusuri na rin aniya ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang 'scientific data and clinical trial data' ng Sinopharm.
Sa ngayon aniya, hinihintay na rin nila ang aplikasyon ng Novavax COVID-19 vaccine.
Beth Camia