Sorry guys! Hindi pasok ang national costume ni Miss Philippines Rabiya Mateo sa listahan ng paborito ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa Twitter, nitong Mayo 4, ini-reveal ni Catriona ang kanyang favorites para sa Best National Costume sa 69th Miss Universe Competition.

Ang kanyang personal na pinili, ang costumes na isinuot ng pambato ng Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine, at Vietnam.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

https://twitter.com/catrionaelisa/status/1393009084442365952

“Who were yours?,” tanong ni Cat sa kanyang followers.

Bago ito, hinikayat ng Australian-Filipino singer ang pageant fans na bumoto para sa kanilang favorite National Costume.

“Our queen Gazini from the Philippines took the title last year!,” proud na pagbabahagi ng beauty queen.

Ayon kay Catriona, isa ang National Costume sa mga favorite niyang part ng

pageant dahil ipinapakita nito ang “diverse and rich cultures.”

“So many beautifully detailed National Costumes @MissUniverse,” aniya.

“Will always wonder…how did they fit these huge, larger than life costumes in their luggage?!”

Samantala Pinoy pride ang ipinakita ni Rabiya Mateo sa kanyang Philippine flag-inspired national costume.

Ang national costume round ay may live streaming sa Lazada at sa official Miss Universe YouTube channel.

Sang-ayon ka ba sa napili ni Catriona?

Stephanie Bernardino