PANGASINAN – Binalaan ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PPDRRMO) ang publiko na mag-ingat sa posibleng heat stroke matapos maitala ang mataas na heat index na 52°C sa Dagupan City, nitong Miyerkules.

"Umabot ng 52°C (Danger Category) ang naitalang #HeatIndex sa PAGASA Dagupan Cityat 2pm nitong Wednesday. Nasa 36.5°C naman ang naitalang dry bulb temperature at 63 % humidity," ang bahagi ng babala ng PDRRMO.

Ayon sa PPDRRMO, asahan na ang panganib kapag naramdaman ang heat factor sa pagitan ng 41 at 54 degrees Celsius dahil sa posibleng maidulot na heat cramps at heat exhaustion.

Sinabi pa ng PPDRRMO na posible ring maranasan ang heat stroke kapag patuloy ang pagtatrabaho habang nakabilad. Ang heat index ay naitatala kung paano nararamdaman ng isang tao ang init dala ng alinsangan kumpara sa aktuwal na air temperature.

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!

Dahil dito, pinayuhan ng mga eksperto ang publiko na iwasan ang magbilad mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Dapat ding uminom ng hanggang 10 baso ng tubig kada araw at iwasan uminom ng kape, tsaa, soda at alak.

Babala pa ng mga eksperto, kabilang lamang sa senyales ng heat stroke ay ang panlalata, pagkahilo, mabilis na pintig ng puso, kombulsyon at pagkawala ng malay.

Liezle Basa Iñigo