Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi makabubuti sa Pilipinas ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tila pumapabor pa sa China sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Robredo, dalawang pahayag ang ginawa ng Pangulo na may seryosong implikasyon. Una, ang desisyon ng arbitral tribunal na pabor sa claim ng bansa, ay "isang kapirasong papel lamang."

"This is a serious matter because we are talking about our freedom and sovereignty here. Ang desisyon ay hindi dapat maliitin," sabi ni Robredo nang sumalang ito sa kanyang lingguhang programa sa radyo.

Pangalawa aniya, ang pahayag ng Presidente na ang WPS ay pag-aari na ng China ay walang katotohanan at basehan. 

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Bert de Guzman