TIBAG, Tarlac City- Kasong adultery o pakikiapid ang kahaharapin ngayon ng isang misis makaraang mahuli na halos wala nang saplot kasama ang kabit nito sa isang bahay sa Barangay Tibag, Tarlac City, kahapon ng gabi.

Sa pagbabahagi ni Police Senior Master Sergeant Jeffrey S. Alcantara, may hawak ng kaso, agad idinemand ni Joel Cortez, 38, ng Sitio Mangga 2, Bgy. Matatalib, ang asawa nitong Susane Cortez, 28, at Rico Roa, 25, single, ng Sitio Paroba 2, Barangay Tibag, Tarlac City.

Napag-alaman na umalis umano ng bahay ang asawa ni Cortez noong April 17 at hindi na umuwi hanggang ipinasya nitong hanapin ang asawa at makatanggap ng impormasyon na nasa bahay ito ni Roa.

Ayon sa ulat, natutop ang dalawa na nakahiga sa kama at halos wala nang damit.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nakahain na ang kasong adultery sa sa Tarlac City Police Station.

Leandro Alborote