Bagamat simple at maikli, umani ng papuri sa netizens si Matteo Guidicelli para sa pagbati nito sa kanyang mother-in-law, si Mommy Divine sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor kung paanong hindi madalas madali na humanap ng tamang paraan upang maipahayag ang nadarama, ngunit sa kanyang palalgay, ang simpleng gesture tulad ng “preparing a plate of pasta can truly become the best one.”

“Spread your appreciation to your moms and make it extra special with @barilla! Happy Mother’s Day to my mama Glenna and mommy Divine. #ASignOfLove #BarillaPH,” pagbabahagi ng asawa ni Sarah Geronimo.

Ilan sa reaksyon:

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Keep going Matt mapapalambot mo din ang puso ni Mommy Divine soon. All wounds heal at the right time…”

“Sana soon magkaroon na ng photo sina Sarah and Matteo with Mommy Divine and Guidicelli family.”

Kamakailan, ay ipinagdiwang nina Sarah at Matteo ang kanilang first anniversary bilang mag-asawa.

Stephanie Bernardino