Dalawang Chinese at apat na Pilipino ang naaresto ng Parañaque City Police matapos umanong dukutin ang isang Chinese sa lungsod, nitong Biyernes ng gabi.
Ang mga naqrestong suspek ay kinilalang sina Chen Shiduan, 47, may-asawa, isang chef at taga-Washington Tower, Bgy. Don Galo, Parañaque City at Chen Lianxing, 37,may asawa, kapwa Chinese, at taga-Reina Regente Street, Binondo, Maynila; Joseph ardona, 52, driver, taga-Batasan Hills, Quezon City; Benidecto Manicad, 48, maintenance, taga-Purok 3, Bgy. Santor, Malolos, Bulacan; Raphael Milanag, 37, company driver, taga-Bgy. San Antonio, Sto Tomas, Batangas; at Nida Bagtas, 49, helper, at taga-C-2 Capulong Road, Bgy. 108, Tondo, Maynila.
Nailigtas naman ng mga awtoridad ang kidnap victim na si Li Le Le,20, binata, isa ring Chinese, nagtatrabaho sa POGO Customer Service at taga-Bay Port West, Bgy. Tambo ng nasabing lungsod.
Sa ulat ni City Police chief, Col. Maximo Sebastian, Jr., nagkasa ng rescue operation ang mga tauhan nito kaugnay ng umano'y kasong illegal detention/kidnapping for ransom sa 19th floor ng Washington Tower, Marina Bay, Bgy. Don Galo, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakasagip kay Le.
Nakakulong na ang mga suspek at inihahanda na ang kaso laban sa kanila.
Bella Gamotea