ni STEPHANIE BERNARDINO

In-upload na ng Xpedition, isang luxury travel magazine na nakabase sa Dubai, ang tatlong covers nito tampok ang Pinay actress-model na si Maymay Entrata.

“@xpeditionmagazine presents @Maymay’s first international cover this 2021 shot in the UAE’s highest peak – the unforgettable place where she was first hailed as an international model, produced by #JoshYugen – the same producer behind her historical and successful Arab Fashion Week debut..,” pahayag ng Magazine.

Nakamit ng Kapamilya actress ang top model status matapos ang matagumopay niyang pagsabak sa runway sa Arab Fashion Week 2018 sa Dubai.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Siya ang unang Pinay na sumalang sa Arab runway.

Personal na inimbitahan ang teen actress ng Furne One, kasama si fashion maven Josh Yugen, upang maging Amato Couture’s muse para sa Pre-Fall 2019 collection.

Kilala ang Filipino fashion designer na nagbihis sa ilang international superstars, kabilang sina Beyonce, Ariana Grande, Britney Spears, Jennifer Lopez, Katy Perry at Nicki Minaj.

Ini-repost naman ni Maymay ang kanyang latest milestone sa social media na tumanggap ng mga papuri.

Bukod kay Maymay, unang naitampok si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa cover ng Xpedition magazine nine times para sa kanilang 6th anniversary ngayong taon.