Umaabot na sa mahigit isang milyon ang mga pasyente na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), hanggang 4:00 ng hapon nitong Mayo 7, nakapagtala pa sila ng karagdagang 4,227 bagong COVID-19 recoveries.
Dahil dito, umaabot na ngayon sa 1,003,160 ang kabuuang bilang ng COVID-19 survivors sa bansa.
Ang naturang bilang ay 92.2% ng 1,087,885 total COVID-19 cases na naitala sa bansa hanggang nitong Biyernes.
Sa naturang kabuuang bilang naman ng sakit, nasa 18,099 o 1.66% naman ang binawian ng buhay matapos na madagdagan pa ng 108.
Nasa kabuuang 66,626 o 6.1% pa ang nanatiling aktibong kaso, matapos na madagdagan pa ng 7,733 bagong kaso nitong Biyernes.
Karamihan naman sa mga aktibong kaso o 94.4% ang mild cases lamang; 2.0% ang asymptomatic o walang nararanasang sintomas; 1.1% ang kritikal; 1.5% ang severe cases at 0.98% naman ang moderate cases.
Mary Ann Santiago