Sa gitna ng nararanasang pandemya ng coronavirus disease 2019, magpapatupad naman ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo
ang mga kumpanya ng langis sa bansa, ngayonng linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.95 hanggang P1.05 sa presyo ng kada litro ng diesel, gasolina at kerosene
Ang nagbabadyang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Nitong Enero 12, huling nagtaas ang oil companies ng P0.85 sa presyo ng gasolina; P0.30 sa diesel at P0.25 naman sa kerosene.
Bella Gamotea