Tinatayang aabot sa P17 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa isang magkapatid na umano'y big-time drug pusher at sa isapa nilang kasabwat sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng hapon.
Under custody na ng Caloocan City Police ang magkapatid na sina Josephine Rada, 59, at Mae Jane, 23, at Bon Joni Visda, 25, pawang taga-Block 3, Lot 3, Phase 12, Bgy,. 188, Tala ng nasabing lungsod.
Naiulat na naaaresto ang mga suspek nang bentahan nila ng iligal na droga ang isang police poseur-buyer sa kanilang lugar, dakong 5:46 ng hapon.
Nasamsam sa tatlo ang 3, 575 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P17, 510,000.00.
Inaalam na ng pulisya ang supplier ng shabu ng tatlo.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Orly Barcala