ni FER TABOY
Gagamitin na sa darating na mga araw ang mga body camera sa isasagawang operasyon ng pulisya.
Ito ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Directorate for Logistics director Major General Angelito Casimiro at sinabing kabuuang 2, 696 body camera ang nabili ng pulisya at ito ay nagkakahalaga ng P289 milyon.
Kinumpirma ri ni Casimiro na pinirmahan na ni Sinas ang final acceptance document para sa nasabing equipment noong April 27, 2021 kung saan agad ito pinadala sa NCRPO at maging sa mga siyudad sa buong bansa.
Sa ngayon natanggap na ng mga police station sa Metro Manila ang nasabing mga camera.
Gayunman, sinabi ni Casimiro na tinitignan nila ang privacy issues sa paggamit ng body camera na magsisilbing ebidensya sa korte.
Aniya, hindi pa tapos ang inilatag nilang protocol sa paggamit nito.
Pinag-aaralan na aniya ng Directorate for Operations (DO) ang nakapaloob sa protocol upang matiyak na walang malalabag na karapatang pantao ng mamamayan.
Ayon sa PNP, kaya sila bumili ng karagdagang body camera para sa transparency sa police operations sa gitna na rin ng alegasyon ng summary execution at pagtatanim ng mga ebidensya sa giyera kontra iligal na droga.