CABUYAO CITY, Laguna -- Bumisita si Asia’s First Grandmaster G. Eugene Torre kasama ang kanyang maybahay na si Gng. Marilyn Torre dito sa nasabing lungsod upang suportahan ang sports program ni Mayor Atty. Rommel "Mel" Gecolea.

Kasama rin sa programa sina Dr. Alfredo "Fred" Paez gayundin sina Vice Mayor Atty. Leif Opiña, BayaniCa Executive Director Mike Aranzanso, at Cabuyao Sports Committee Head Mr. Jerome Lualhati.

"The visit of GM Eugene Torre will surely help to further promote and develop chess in Cabuyao City. With the support of our LGU, i hope and believe that our city can produce chess masters soon," pahayag ni Paez, namumuno ng chess sa Cabuyao City na siya ding Assistant Executive Director sa Southern Luzon ng National Chess Federation of the Philippines.

Kamakailan lamang ay iniluklok si G. Torre bilang kauna-unahang Lalaking Asyano sa prestihiyosong World Chess Hall of Fame ng World Chess Federation. Si G. Torre ay una ng pinarangalan ng Philippine Sports Commission at nahanay sa Hall of Famer ng mga atleta sa ating bansa.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Habang ang Laguna naman ang itinanghal na over-all champion sa Professional Chess Association of the Philippines na kauna-unahang Professional Chess League sa buong mundo sa magiting na pamumuno nina chairman Michael Ong Chua at founding Commissioner Atty. Paul Elauria.

Ilan sa mga produkto ng sports development ng Cabuyao City na kinabibilangan nina Jeremy Marticio, Vince Angelo Medina at Kimuel Aaron Lorenzo ang kumakatawan sa Pilipinas sa patuloy idinadaos na Zone 3.3 Zonal Chess Championships 2021 online tournament na isinasagawa sa online Tornelo platform kung saan ang top 2 finishers ay uusad sa World Cup sa Agosto sa Minsk, Russia.-Marlon Bernardino-

Makikita sa larawan mula kaliwa hanggang kanan ay sina BayaniCa Executive Director Mike Aranzanso, Vice-Mayor Leif Opiňa, Mrs. Marilyn Torre, GM Eugene Torre, Mayor Atty. Rommel "Mel" Gecolea, Cabuyao Sports Committee Head Mr. Jerome Lualhati, City Legal Officer Atty. Randy Hemedes at AGM Dr. Alfredo Paez.