ni JUN FABON

Bumulagta ang isang wanted sa kasong pagpatay sa Quezon City makaraang makipagbarilan sa follow-up operation ng mga elemento ng QCPD sa lalawigan ng Rizal, iniulat ng pulisya.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Antonio Yarra ang napatay na si Ramon Quillo, 48, tubong Bacolod, at naninirahan sa Lower Pinatubo, Amety Village, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Sa ulat ng QCPD, dakong 9:00 ng umaga kamakalawa nang maganap ang engkwentro sa Spillway kanto ng Wawa Road, sa Bgy. San Rafael, Montalban.

'Mauubos lang ang oras ko:' Leila De Lima, iisnabin na lang mga basher

Nabatid na bago ang engkuwentro, nakatanggap ng impormasyon ang QCPD hinggil sa hideout ni alyas “Ramon.”

Kaagad nagsagawa ng follow-up operation ang QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Regional Intelligence Unit (RIU) National Capital Region (NCR) sa lugar upang isilbi ang warrant of arrest sa suspek subalit nanlaban ito at binaril ang mga pulis.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga tauhan ng QCPD at NCRPO na ikinimatay ng suspek.