ni STEPHANIE BERNARDINO

Nilinaw ni Kris Bernal ang isyu hinggil sa kanyang ilong.

Giit ng aktres, natural na matangos at hindi kailan man dumaan sa anumang pagsasaayos ang kanyang ilong.

At bilang patunay, ibinahagi ng aktres sa social media ang isang photo na kinunan noong 12 years old pa lamang siya

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

(From IG)

“A lot of people think I had a nose job but I was born with a matangos na ilong,” caption ni Kris.

Samantala, hindi lamang si Kris Bernal ang celebs na napilitang magpaliwanag hinggil sa ilong.

Bago ito, una nang itinanggi ng ilang celebrities tulad nina Heart Evangelista, Nadine Lustre, at Kathryn Bernardo na sumailalim sila sa rhinoplasty.