Hindi bababa sa 25 katao ang namatay matapos magkabanggaan ang dalawang bangka sa central Bangladesh nitong Lunes, ayon sa pulisya.

“We have rescued five people and retrieved 25 bodies,” pahayag ni local police chief Miraz Hossain sa AFP.

Sangkot sa banggaan ang isang bangka na puno ng 30 pasahero at isang sasakyang pandagat na nagdadala ng buhangin sa Padma river malapit sa bayan ng Shibchar.

Ilan pang mga pasahero ang napaulat na nawawala habang patuloy ang isinasagawang rescue operations.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Agence-France-Presse