ni MARY ANN SANTIAGO

Bunsod ng pangangailangan ng karagdagang pondo ngayong pandemya ng COVID-19, inatasan na ng Malacañang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pagkalooban nito ng lisensya ang ilang online sabong sites upang maging legal na ang kanilang operasyon.

“Bukod kasi sa hinahabol na income para sa pamahalaan, kailangan na hindi naman naloloko o nadadaya ang mga tumatangkilik ng sabong sa online kaya kailangan talagang bigyan na sila ng license,” ayon kay Atty. Jose Tria Gr., Senior Vice President ng Offshore and Online Gaming ng PAGCOR.

“Pag may license kasi, namomonitor namin ang kanilang operasyon, galaw, at income,” paliwanag pa ni Tria.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Nabatid na mayroon nang limang kompanya ang nag-apply ng lisensya ngunit dalawa pa lang ang nabigyan ng “license to operate” dahil sa pagkabigo ng iba sa mga ito na makapagbayad agad ng corresponding fees at taxes.

Sa ngayon ay tanging ang Lucky 8 Star Quest Inc. ng Pitmaster Live at Belvedere Corp. pa lang ang pinayagang magpalabas ng sabong online.

Tiniyak naman ni Tria na huhulihin ng mga awtoridad ang mga kumpanyang mag-o-operate ng online sabong ng walang lisensiya.

“The rest na wala pang license ay huhulihin ng mga otoridad dahil ito ay iligal at minomonitor na ng Department of Information, Communication and Technology (DICT),” aniya.

Ayon pa kay Tria, nakakalikom ang PAGCOR ng P100 million kada buwan sa bawat lisensiyadong online sabong company.