ni STEPHANIE BERNARDINO

Pumanaw na ang stand-up comedian at dating Wowowin co-host na si Le Chazz Nightingale.

Ayon sa ilang reports, natagpuang wala nang buhay ang 43-anyos na artist, na may tunay na pangalang Richard Yuzon, sa tahanan nito sa Kamuning, Quezon City. Hindi naman nagbigay ang pulisya ng iba pang detalye.

Nakatakda sanang magdiwang ng kanyang kaarawan si Le Chazz sa Mayo 10.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Nagpost naman ang kanyang kaibigan na si Aj Tamiza, ng pagluluksa sa pagpanaw ng komedyante.

“I love you much salamat sa lahat lahat.. please guide us.. no more pain.. bes ILOVEYOU.. PAHINGA KANA.. #RIP #CHAZZ #ILOVEYOU.”

Ilang taon na ang nakalilipas, nang itampok ang kwento ng buhay ni Le Chazz sa Tunay Na Buhay.