ni JALEEN RAMOS

Patay ang 16-anyos na Filipino-American matapos barilin sa loob ng kanilang tahanan sa Rainier Beach sa Seattle, Washington.

Ayon sa ulat ng Seattle Times, dakong 11:00 ng gabi, tinugon ng biktima na si Earl Estrella ang kumakatok sa pinto ng kanilang bahay. Gayunman, pagbukas nito ng pinto ay agad itong pinaputukan ng salarin na agad ding tumakas sa lugar matapos ang krimen.

Dead on the spot ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Isang GoFundMe page naman ang binuksan upang makatulong sa funeral expenses ni Estrella.

“For those of you who knew and loved Earl, this news is absolutely devastating as he was only 16 years old and was a kind and sweet person,” pahayag ni Daisy Ganal, tiyahin at ninang ng biktima.

“Any amount is greatly appreciated and if you cannot donate at this time, sharing this post will also go a long way,” dagdag pa nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilalan ng salarin at ang motibo sa pamamaslang.