ni ROBERT REQUINTINA

Sa wakas ay nagsalita na ang aktres na si Lovi Poe hinggil sa kumakalat na balitang lilipat na ito sa Kapamilya network matapos mag-expired ang kontrata sa GMA-7.

“I think its only fair to keep things even at this stage and all negotiations are confidential,” sagot ni Lovi nang matanong hinggil sa balitang network transfer, sa launching ng Imono Jewerly collection nitong Huwebes, Abril 29.

May bali-balita rin na isa si Lovi sa bibida sa Philippine version ng hit drama series na Doctor Foster sa ABS-CBN.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa pahayag ni Entertainment columnist Jun Lalin, nananatiling tahimik ang LVD Management, ang talent management firm ni Leo Dominguez at ang handler ni Lovi, hinggil sa isyung ito.

Kasalukuyan pa ring napapanood si Lovi sa Kapuso drama series na Owe My Love, katambal si Benjamin Alves, na nagsimylang umere nitong Pebrero.

Ang Imono Jewelry SS21 collection ay curated ni brand ambassador, Lovi Poe, na inspires strong female confidence to take on the days ahead.

Kabilang sa newest selection ng brand ang bangles, bracelets, earrings, necklaces, at rings na aiming to bring out inner strength na kailangan sa pagpapanatili ng fierce and proactive attitude.