ALCANTARA – Hindi na nagpatumpik ang KCS Computer Specialist-Mandaue City para ibaon ang Dumaguete City tungo sa dominanteng 78-50 panalo at patatagin ang kampanya na makausad sa Finals ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup-Visayas Leg nitong Biyernes sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Napatibay ng KCS ang katayuan sa No.2 tangan ang 8-2 record sa pagtatapos ng double round-robin eliminations. Tangan ng Mandaue City ang twice-to-beat advantage sa semifinal duel.

Naghihintay na sa best-of-three Finals ang MJAS Zenith-Talisay City na awtomatikong umusad sa championship round matapos walising ang elimination tangan ang 10-0 karta.

“Of course, maganda ang morale nila pero mas importante is our defensive schemes are getting more consistent than before. We are also addressing the rebounding. I think we are more than ready for the semis,” pahayag ni coach Mike Reyes.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naitarak ng KCS ang 17 puntos na bentahe sa halftime, 37-20. Mula rito, hindi na nakatikim ng anumang pagbabanta ang Mandaue sa karibal.

“Getting better na si Ping (Excimiano). His groove sa game is medyo okay na. Pero ayun nga every time tatakbo siya, natatakot kami,” sambit ni Bautista, patungkol sa kanyang pambatong forward. “Good thing is okay naman ngayon. Lahat masaya kasi he’s back!”

Tinapos ng Dumaguete ang eliminations na may 2-8 marka.

Sakaling matalo ng Tubigon Bohol ang No. 3 ARQ Lapu-Lapu sa main game ng duwelo Biyernes ng gabi, haharapin ng Warriors ang Heroes sa knockout playoffs sa Sabado (Mayo 1). Kung matalo, mapapalaban ang Mariners sa Dumaguete para sa No.5 puwesto bago makasagupa ang No. 4 Tabogon.

Kumana sina James Regalado at Hero Tomilloso ng tig-11 puntos para sa Warriors.

Iskor:

KCS-Mandaue (78)—Exciminiano 16, Cachuela 9, Mercader 9, Nalos 7, Mendoza 7, Bongaciso 6 Castro 5, Delator 5, Soliva 4, Sorela 4, Roncal 2, Bregondo 2, Tamsi 2.

Dumaguete (50)—Regalado 11, Tomilloso 11, Velasquez 7, Gonzalgo 5, Gabas 5, Doligon 5, Mantilla 4, Porlares 2, Aguilar 0.

Quarterscores: 16-8, 37-20, 56-37, 78-50