ni NEIL RAMOS

Nagbahagi ng saloobin si Gloria Diaz, ang unang Miss Universe ng Pilipinas, hinggil sa tiyansa ni Rabiya Mateo sa edisyon ngayong taon ng prestihiyosong pageant.

Ayon kay Gloria, Rabiya is very much “deserving” of the win.

“I can never tell (who is going to win exactly), but she is really deserving,” pahayag nito sa isang panayam kamakailan.

Cristy Fermin bilib sa paglalabas ng mga hanash ni Romnick Sarmenta

Sa usapin naman ng ganda ng 24-anyos na beauty queen, sinabi niya na, “Maganda naman si Rabiya talaga.”

“Maganda siya. Actually, ang dami kong nakikitang photos niya and she seems to be a very nice girl.”

Dagdag pa ni Gloria, “Alangan naman sabihin ko pangit siya, ‘no?”