ni NEIL RAMOS

Lumikha ng ingay sa social media ang Sharonians matapos mag-trend ang pangalan ng kanilang idolong si Sharon Cuneta sa Twitter.

Kaugnay ito ng suhestiyon ng mga fans na kunin ang Megastar bilang lead para sa Philippine remake ng hit series na Doctor Foster.

Dahil dito, naging trending ang hashtag na #Sharon Cuneta Dr. FosterPh sa platform.

Tsika at Intriga

Aagawan pa ng moment si Jesus? Denise Julia, 'reresbak' daw sa araw ng Pasko

Masaya naman si Sharon para dito.

Post ng aktres, “OMG! Thank you so much! Would absolutely love to play her!!!”

Itinag rin ni Sharon si ABS-CBN Head of Entertainment Lauren Dyogi.

Usap-usapan sa social media ang mga suhestiyon kung sino ang maaaring gumanap na lead cast para sa local adaptation matapos itong ianunsiyo ng BBC at ABS-CBN.

Kabilang naman sa mga pangalan lumulutang na maaaring gumanap bilang bida ng serye sina Judy Ann Santos at Bea Alonzo.