ni STEPHANIE BERNARDINO

After ng engagement nitong nakaraang taon, pinaghahandaan na ngayon nina actress Kris Bernal at ng kanyang fiancé, si Perry Choi ang kanilang upcoming wedding.

Sa katunayan, documented ni Kris ang unang araw ng kanilang paghahanda sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Dito, ipinakita ni Kris ang kanyang meeting sa wedding suppliers, kabilang sina Nice Print Photography’s Charisse Tinio, florist Gideon Hermosa, at kanilang event planner Kim Torres.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pag-amin ni Kris, hanggang ngayon, hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang kanilang wedding.

“Hindi ko alam. Hindi ko akalain na kakasal na ako. ‘Di ko alam na pupunta na ako sa age na ikakasal na ako,” pagbabahagi ng 31-year-old actress.

“Feel ko wala akong alam. I’m starting from scratch kasi never pa naman ako na ka-experience na magplano ako ng wedding or anything or na-involve ako sa wedding ng ibang tao. ‘Di ko alam saan ako magsisimula.”

Aminado rin ang aktres na natakot siyang mawalan ng trabaho kung dumating sa punto na kailangan niyang pasukin ang panibagong yugto ng kanyang buhay.

“I love my job! Natatakot ako.”