ni LIGHT A. NOLASCO

TALAVERA, Nueva Ecija—Kalaboso ang isa motorcycle parts vendor matapos umanong molestiyahin ang isang grade 9 student habang nasa kasagsagan ng pagtulog sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sampaloc, nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Sa pagsisiyasat ni PSMS Primanarda A. Hierco, may hawak ng kaso, dakong 3:30 ng madaling-araw nang pasukin at abusuhin ng suspek na si Larry Rapal, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar, ang biktima hanggang sa nagising ito at nagsisigaw.

Mabilis umanong kumaripas papalabas ng bahay ang suspek, subalit nadakip ito sa isinagawang follow-up operations ng mga tauhan ng Police Commnuity Precincts-2 ng Sampaloc at kinasuhan ng 'Acts Of Lasciviousness' na may relasyon sa RA 7610 habang nakakulong sa male custodal facility ng Talavera MPS.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog