ni DANTE A. LAGANA

Matapos ang paglipat last January ng Kapuso-turned-Kapamilya na si Janine Gutierrez heto at mayroon uling Kapuso ang napapabalitang mag-aalsa balutan daw para maging Kapamilya. Isa na nga rito ay si Sunshine Dizon na balitang may gagawin daw teleserye sa Kapamilya network. Pero wala pang kumpirmasyon kung magiging exclusive raw si Sunshine sa ABS-CBN. Balitang hindi raw ni-renew ng GMA-7 ang kontrata ni Sunshine. Kung ganoon pala pareho ito noon ng case ni Janine na hindi na pinapirma uli ng kontrata ng GMA-7.

Sunshine

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Umuugong din ang balita na ang magaling na aktres na si Lovi Poe ay susunod na rin daw na mag-oover the bakod sa Kapamilya Network. Bagamat umeere pa rin ang rom-com series nilang Owe My Love sa GMA-7, clueless ang mga netizens kung gaano ito katotoo. Sinubukan ng Balita na hingan ng pahayag ang mismong manager niyang si Leo Dominguez via Messenger pero hindi pa niya sinasagot ang ating katanungan. Hintayin na lang natin ang masasabi ni Lovi o ng kampo niya ang real score hinggil sa lipatan issue.

Lovi

Samantala sa Facebook Page naman ng dating Kapuso actress na si Kris Bernal ay may ipinost ang kanyang admin kasama ng mga screenshot ng mga tweet sa Twitter ng mga netizens. Malamang relate ang aktres dito. Patungkol nga ito sa mga Kapuso na napapabalitang lilipat ng network. Sey ng admin ni Kris, “LOUDER!!! Anong kaganapan to sa Twitter world, GMA Network??? We just spotted Kris Bernal’s name though. Pero infairness ah, totoo naman sinabi nila. You should have renewed Kris Bernal in the first place. Nakakaloka!

Ilan sa mga ipinost na screenshot tweet ay sabi, “Kung sino pa yung may FRANCHISE sila pa yung nauubusan ng BIG STAR. Hirit pa ng isa, “Ibalik ninyo muna sina Sunshine Dizon at Kris Bernal.” Ika pa ng pangalawa, “Ang t—ga ng @gmanetwork para pakawalan sina Janine Gutierrez, Kris Bernal at Sunshine Dizon. Ang t—ga talaga! Well, ano kaya ang magiging reaksyon ng GMA-7 tungkol dito. Abangan.