ni ADOR V. SALUTA

Kasama pala sa kontrata ni Toni Gonzaga, sa Philippine adaptation ng Korean hit Movie na My Sassy Girl, ang meeting sa original lead stars nito na sina Ji-hyun at Cha Tae-hyun.

Sa pagbabahagi ni Toni sa panayam ni G3 San Diego, sinabi nitong umaasa siya na matuloy sila sa Korea upang makilala ang original na bida.

“Part din ng deal doon sa franchise, and I’m praying it will happen, we will go to Korea and meet the original cast. Sana matuloy iyon.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pagbabahagi pa ng aktres co-produce ang pelikula ng Viva at ng TinCan.

Disyembre 2020 pa natapos ang shooting ng My Saasy Girl, pero ayon sa aktres hinihintay pa na magbukas muli ang mga sinehan dahil bahagi, aniya, ito ng kanilang kontrata.