ni MARY ANN SANTIAGO

Hinikayat ng mga eksperto ng OCTA Research Group ang pamahalaan na huwag munang alisin ang pagpapairal ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila hangga’t hindi pa tuluyang bumababa ang reproduction number ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, ang reproduction number ng sakit ay dapat munang maging ‘less than 1’ sa loob ng ilang linggo bago tuluyang magpasya ang pamahalaan kung paluluwagin na ang restriksiyon sa Metro Manila.

Nabatid na ang reproduction number o bilang ng mga nahahawahan ng sakit ng isang COVID-19 patient, na nasa 1 o mas mataas pa, ay nangangahulugan na mayroon pa ring sustained transmission ng virus.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Anang OCTA, sa kasalukuyan ang reproduction number ay nasa 0.99 na, ngunit hindi pa anila ito sapat upang alisin na ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR.

“We urge the national government, as one possible benchmark for changing quarantine levels, is not to exit MECQ until at least the R is less than 0.9 in a sustained manner,” ani Austriaco sa isang webinar na inorganisa ng Cardinal Santos Medical Center.