ni BELLA GAMOTEA

Hinataw umano ng paulit-ulit ng rattan stick ng ina ang kanyang isang taong gulang na sanggol dahil sa kaiiyak na naging sanhi ng kamatayan nito sa loob ng kanilang bahay, sa Taguig City, kahapon.

Kasong parricide ang kakaharapin ng suspek na kinilalang si Christine May Dabuit, 18, at residente ng Barangay Upper Bicutan, Taguig City.

Ayon sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. General Eliseo Cruz mula sa Taguig City Police Sub-station 7, naganap ang insidente sa bahay ng pamilya Dabuit, dakong 12:30 ng hapon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Magkatabing natutulog ang mag-ina nang mag-iiyak umano ang sanggol at hindi tumatahan kaya pinaghahataw umano ng rattan hanggang sa nakitang nahihirapang huminga at isinugod sa Barangay Health Center sa Upper Bicutan.

Pinayuhan pa ng center ang ina na agad dalhin ang sanggol sa Taguig-Pateros District Hospital kung saan idineklarang dead on arrival ng doktor.