ni STEPHANIE BERNARDINO

Alam mo bang dating laging kabuntot ni Amy Perez si Kim Chui, saan man ito magpunta?

Ito mismo ang ini-reveal ni Tyang Amy, nang batiin nito ang aktres sa kanyang 31st birthday.

Sa It’s Showtime sinabi niya kay Kim na: “You have a very good heart. Gusto ko lang malaman mo na nung nagsimula ka dito sa ‘Showtime,’ sinusundan mo ako kahit saan ako nagpunta, kulang na lang pati sa banyo sundan mo ako. Hindi ko alam kung bakit? Simula nun tinatawag ko siya na shadow ko.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang rason ni Kim, “Nahihiya kasi ako dito nung unang nag-guest host ako, parang hindi ko alam saan ako lulugar. So pag saan siya pumupunta, si Tyang Amy, du’n ako. ‘Tyang, sama ako kasi nahihiya talaga ako.’ Hanggang sa dressing room, pag i-ihi siya du’n ako sa labas ng pinto. ‘Tyang dito lang ako.'”

Kim

Ibinunyad ni Tyang Amy na shy type si Kim.

Samantala, nagpasalat naman si Vhong Navarro kay Kim.

“Maraming salamat kasi dinagdagan mo kami ng kulay. Salamat sa pagiging generous. Salamat sa respeto mo sa amin “Natutuwa ako sa kanya kasi sa pag pasok niya rito alam niya yung lugar niya, alam niya kung paano niya tayo kakausapin, kung paano niya tayo rerespetuhin,” pagbabahagi nito.

“Ang ganda kasi dahil Kim Chiu ka na ‘di ba? Pero alam mo kung paano makisama at magpakumbaba sa lahat. Hindi lang sa mga host pati sa staff and crew. Maraming salamat du’n Kimmy. At ang birthday wish ko sayo, good health. We love you,” saad pa ni Vhong.