ni MARY ANN SANTIAGO 

Upang umangkop sa mga bagong pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto, nagtakda ang Department of Education (DepEd) ng roadmap o tunguhin para suriin at i-update ang kurikulum para sa Kinder hanggang Grade 10.

“We are also responding to the challenges of curriculum, education per se. This is a persisting challenge even before I came in and we continue the review of our curriculum, especially in this time with the pressure to rely on technology and the pressure to respond to what everyone describes as the new normal in the light of COVID-19,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones.

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na naiayos na ng Kagawaran ang mga tunguhin ng K to 10 curriculum para sa taong 2022.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

“Ang initial agreements talaga namin para sa Kinder hanggang Grade 3, mas paiigtingin natin yung pagbabasa, pag-compute at social emotional skills. Gusto natin mas simple pero marunong na marunong,” aniya.

“Ang importante marunong siyang magbasa at yung mga importanteng kaalaman at kasanayan. Kasi kahit hindi mo na yan turuan pag naging interesado yan, magbabasa yan at magdi-discover ng mundo on their own,” dagdag pa ni San Antonio.

Aniya, susuriin din ng DepEd ang Most Essential Learning Competencies (MELCs) na ipinatupad ngayong school year at titingnan kung ang mga ito ba ay sapat para sa mga mag-aaral upang makakuha ng kaalaman at kakayahan.

Binigyang-diin ni San Antonio na ang mga kakayahang ito ay pinili upang mapadali ang proseso ng pagkatuto ng mga bata, dulot na rin ng limitasyong hatid ng distance learning.

Bilang parte ng proseso ng pagsusuri, kinilala din ng roadmap ang horizontal alignment ng kurikulum para masiguro ang pag-unlad ng mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 10.

“Ang aasahan po natin sa magiging curriculum sa mga susunod pagkatapos ng COVID-19 ay nakatuon pa rin tayo sa lubhang mahalaga. Sisikapin natin na hindi siya kasing congested katulad ngayon kasi ang nakikita rin natin although wala kaming ebidensya,” pagbibigay-diin ni San Antonio.

Layunin ng DepEd na maisapinal na ang pagsusuri sa kurikulum ngayong taon at magsagawa ng serye ng konsultasyon sa pagsisimula ng 2022.