ni BELLA GAMOTEA

Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell ngayong Martes.

Sa anunsiyo ng Shell, epektibo ngayon dakong 6:00 ng umaga ang dagdag naP0.85 sa presyo ng kada litro ng kerosene,P0.70 sa presyo ng diesel at P0.60 sa presyo naman ng gasolina.

Magpapairal din ng kahalintulad na hakbang ang iba pang kumpanya ng langis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang bagong price increase ay bunsod nang paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.