ni NEIL PATRICK NEPOMUCENO

The show must go on para kay Nikki Valdez sa pagbabalik niya sa trabaho matapos gumaling mula sa COVID-19.

Ibinahagi ni Nikki ang kanyang naging desisyon sa social media, sa kanyang post na may caption na: “Sasabak na sa laban ulit. Salamat po Panginoon para sa araw na ito.”

Umaasa rin siya na maging safe ang experience ng kanyang mga co-actors at workmates sa set ng Bagong Umaga habang isho-shoot ang huling dalawang linggo ng serye.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Una rito, nagpositibo si Nikki, 40, at asawa nitong si Luis Garcia sa coronavirus ngayong buwan, at ibinahagi ang kanilang naging journey patungo sa recovery kabilang ang “weeksary” mula nang maging COVID-19 free, last week.